500 participants sa Indigenous Games

MANILA, Philippines — Mahalaga para sa isang bansa ang preserbasyon ng kultura. Pumapasok din dito ang pangangalaga sa mga traditional sports at games.

“We need to preserve those games na nilalaro ng ating ancestors. It should revive para magkaroon tayo ng preservation ng ating cultural heritage,” sabi ni Mindanao State University Prof. Henry Daut, tumayong speaker sa seminar ng katatapos na 4th leg ng Indigenous Peoples Games sa Balakbak Elementary School sa Kapangan, Benguet.

Inilaro sa IP Games ang mga traditional sports at games na pakwel, sidking aparador, sidking bado, patintero, tiklaw, prisoner’s base, palsi-it, kadang-kadang, ginuyudan, kayabang, pangke, sanggol, pallot, dad-an di pato, sungka at dama.

Humigit-kumulang sa 500 partisipante ang lumahok sa naturang three-day event na sinaksihan ni PSC Commissioner Charles Raymond Maxey.

Sinimulan na ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang promosyon para sa pagpapahalaga sa mga indigenous games ng bawat bansa.

“Ang UNESCO is trying to promote the preservation of indigenous games at ang Philippines ngayon lang nag-uumpisa through the Philippine Sports Commission. We need to preserve those games na nilalaro ng ating ancestors. It should revive para magkaroon tayo ng preservation ng ating cultural heritage,” dagdag pa ng PSC head for Grassroots Sports Development Program.

Ayon kay Daut, mayroon pang mga katutubong laro na hindi pa nadidiskubre. “Kasi itong mga ito ay common na eh. Maybe we need to discover ‘yung mga old games na nilalaro talaga ng kanilang mga ninuno and we need research to do that,” aniya.

Show comments