Bullpups sinolo ang liderato

MANILA, Philippines — Nakabangon ang girls titlist na National University sa opening set loss para balikan angUniversity of Santo Tomas, 20-25, 25-17, 25-15, 25-23, sa rematch ng nakaraang Finals sa UAAP Season 81 high school volleyball tournament kahapon sa Blue Eagle Gym.

Humataw si Faith Nisperos ng 19 points mula sa kanyang attacks, habang pumalo si Alyssa Solo­mon ng limang service aces para tumapos na may 13 hits kasama ang pi­tong digs sa pagtatala ng Bullpups ng imakuladang 4-0 rekord.

Pinamunuan naman ni Janna Torres ang Junior Tigresses sa kanyang 8 points kasunod ang tig-7 markers nina Imee Hernandez at Re­gi­na Jurado.

Nahulog ang baraha ng UST sa 3-1 kasosyo ang De La Salle-Zobel, umiskor ng 25-15, 25-12, 25-14 panalo sa UP Integrated School.

Tumipa si Gabrielle Webb ng 9 points, habang may 7 markers si Cas­sandra Carballo sa pa­nig ng Junior Lady Spi­kers.

May 11 points at 10 digs si Sheila Mae Ki­seo para pamunuan ang Far Eastern University-Diliman sa 25-16, 25-15, 26-24 panalo laban sa University of the East.

Show comments