Lyceum kinumpleto ang Final 4

Si Mike Nzeusseu ng Lyceum laban kay Clement Leutcheu ng St. Benilde.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Kumpleto na ang Final Four matapos magwagi ang Lyceum Pirates kontra sa St. Benilde Blazers, 77-64, habang tinambakan ng San Beda Red Lions ang Arellano Chiefs, 90-52 ka­­sabay ng kanilang pag­ko­­po ng ‘twice-to-beat’ in­centives kahapon sa 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

 

Kahit marami pang na­titirang laro,  nakakasi­guro na ang nagdedepensang Red Lions at 93rd season runner up Pirates ng  top two finish sa stan­ding pagkatapos sa double round elimination.

Sa panalo ng Pirates, hin­di lamang sila uma-ngat sa 15-2 win-loss kar­tada sa likuran ng na-ngu­ngunang Red Lions na hawak ang 15-1 card kun­di hinila na rin nila ang Perpetual Help Altas sa semifinal round.

Dahil sa talo, nalaglag ang Blazers sa 8-8 slate kaya kahit pa ma-sweep ang huli nilang dalawang laro, hindi na rin nila ma­aabutan ang Perpetual Help Altas na tangan ang 11-5 record kaya kumpleto na ang cast sa semis.

“There’s a big lesson from that loss against Let­ran. It really kept us humble and knowing we don’t have always control of what the future will bring for us but what’s im­portant is how we stuck together as a team,” sa­bi ni Lyceum coach Topex Robinson.

Umani  ang reigning MVP na si CJ Perez ng 17 puntos, 10 rebounds at apat na steals habang si Mike Nzeusseu ay tu­mu­long ng 13 puntos, walong rebounds at apat na blocks para sa tropa ni Robinson.

Sa iba pang laro, agad lumayo ang Red Lions at hindi na lumingon pa tu-ngo sa kanilang pang-15th panalo sa 16 laro upang ma­natili sa solo top spot.

Tumipak si Javee Mocon ng 24 puntos sa 7-of-13 shooting at 5-of-5 sa free throw bukod sa 11 rebounds at isang steal para sa Red Lions, habang ang pro-bound  na si Ro­bert Bo­lick ay tumapos na may 11 puntos, 9 assists at 5 boards.

Show comments