Magandang simula para sa pagdedepensa ng UST beach volleybelles

MANILA, Philippines — Nagtala ang magaang panalo sina Sisi Rondina at Babylove Barbon ng aUniversity of Santo Tomas laban sa University of the Philippines tandem nina Isa Molde at Justine Dorog, 21-12, 21-12 sa pagsisimula ng kanilang kampanya para sa women’s three-peat sa UAAP Season 81 beach volleyball tournament kahapon sa Sands SM By The Bay.

Bigo naman ang men’s defending champion na National University sa kanilang season opener nang gulantangin nina Jude Garcia at Kevin Hadlocon ng Far Eastern University ang pinapaborang tambalan nina Bryan Bagunas at James Natividad, 25-23, 21-17.

Sa huling playing year ni Rondina, ang bago niyang ka-tandem ay si Barbon pero parang matagal na silang mag-partner.

Nakabawi naman sina Tin Tiamzon at Michelle Morente ng De La Salle sa kanilang second set meltdown upang igupo ang FEU duo nina Ivana Agudo at Marianne Calinawan, 21-14, 20-22, 15-10; nanalo rin sina Kalymince Orilleneda at Antonette Landicho ng NU kina Ponggay Gaston at Jules Samonte ng Ateneo, 21-11, 21-14; nanaig din sina Hannah Nicole Infante at Gracelchen Ave ng Adamson University kina Rhea Manalo at Lyen Shan Ritual ng University of the East, 21-14, 21-15  

Show comments