Blaze Spikers kontra sa Cargo Movers sa finals

Nailusot ni Pam Lastimosa ng Sta. Lucia ang kanyang hataw laban kay Bang Pineda ng Generika-Ayala.

MANILA, Philippines — Nasungkit ng Petron Blaze Spikers at F2 Logistics Cargo Movers ang Finals berth matapos talunin ang kanilang mga karibal sa knockout semifinals sa 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga Invi­tational Conference kahapon sa Mun­tinlupa Ci­ty Sports Cen­ter.

Dinaig ng Blaze Spi­kers ang Smart-Army Giga Hi­tters, 25-12, 25-15, 25-17, habang pinatumba ng Cargo Movers ang Cignal HD Spikers,  25-22, 25-15, 25-19.

Sisimulan ng Petron at F2 Logistics ang ka­ni­lang championship se­ries sa Huwebes.

Malakas na depensa at opensa ang ipinakita ng Blaze Spikers kaya sa first set pa lamang ay lumamang agad sila sa 12-5 na lumobo naman sa 19-8 bago sa sunud-sunod na hataw ni Mika Reyes pa­ra tapusin sa 25-12.

Sa first set ay nagpa­ulan ang Blaze Spi­kers ng 14 atake, habang lima la­mang mula sa Giga Hitters.

Ipinagpatuloy ng se­cond team ng Petron ang ma­tikas na laro sa ikala­wang set at walang naki­tang pantapat si Smart coach Kungfu Reyes para pigilin ang pagragasa ng Petron.

Tumapos si Bernadeth Pons na may apat na atake, isang block at isang ace, habang si Sisi Rondina ay nag-ambag ng siyam na atake para sa Blaze Spikers ni coach Shaq de  los Santos.

“Masaya kami dahil siyempre Finals na ka­mi. Mas lalo pa na­ming pagbubutihin ang laro namin sa Finals dahil gusto rin talaga naming mag-champion,” sabi ni Pons. “Kaya bukas mag-eensayo agad kami at aayu­sin pa namin ang opensa at depensa namin.”

Sisimulan ng 2018 Grand Prix champion na Blaze Spikers ang best-of-three title se­­ries sa Huwebes sa Fil­Oil Flying V Center sa San Juan City.

Samantala, nagwagi ang Generika-A­yala Lifesavers kontra sa Sta. Lucia Lady Realtors, 25-10, 24-26, 25-10, 25-18, para tumapos sa pang-limang puwesto.

Magaang na nakuha ng Lifesavers and unang set, 25-10, ngunit humirit ang Lady Realtors sa ikalawang set bago mu­ling nasikwat nina April Ross Hingpit, Patty Oren­dain at Fiola Mae Ce­ballos ang ikatlong set sa 25-10.

Umiskor si Orendain ng 23 puntos kabilang na ang 19 atake, isang block at tatlong aces, habang si Hingpit ay umani ng 43 excellent sets.

Nagdagdag si Mae Ce­­ballos ng 13 puntos.

 

Show comments