^

PM Sports

FIBA mabigat ang parusa

Pang-masa
FIBA mabigat ang parusa

MANILA, Philippines — Kabuuang 10 manlalaro ang nasuspinde sa kampo ng Gilas Pilipinas habang tatlo naman sa bahagi ng Australia ang naparusahan ayon sa desisyon ng FIBA na inilabas kahapon matapos ang imbestigasyon nito sa pamosong rambol na kinasangkutan ng dalawang koponan sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers no-ong nakaraang buwan.

Pinakamabigat na parusang natanggap si Gilas forward Calvin Abueva na suspendido ng anim na laro sa Asian Qualifiers habang may tig-limang larong suspensyon naman sina Carl Bryan Cruz, Roger Pogoy at Jio Jalalon.

Magsisilbi naman ng tig-tatlong larong suspensyon sina Terrence Romeo, Troy Rosario at naturalized import na si Andray Blatche habang tig-isang laro ang naipataw kina Matthew Wright at Japeth Aguilar.

Maging si head coach Chot Reyes ay hindi nakaligtas dahil napatawan din siya ng isang larong suspensyon gayundin ng multang CHF 100, 000 o mahigit P500, 000.

Tatlong larong suspensyon naman ang natanggap ni assistant coach Jong Uichico.

Bukod sa mga manla-laro ay napatawan din ang buong Samahang Basketbol ng Pilipinas ng tumataginting na CHF 250, 000 o mahigit P13 milyon na multa dahil dito.

Dagdag pa sa naging parusa ng Pilipinas bilang host country ng naturang rambol ay ang gagawing ‘closed door’ ang susunod nitong home game kontra Qatar sa Setyembre 17 kung saan walang pwedeng manonood kundi ang mga manlalaro at opisyal lamang.

Buong puso naman itong tinanggap ng SBP at nangakong susunod sa naging desisyon ng FIBA.

“SBP accepts the disciplinary panel’s decision and extends its appreciation to the panel for its work,” ani SBP President Al Panlilio.

Sa kabutihang palad, hindi nadamay sa parusa ng Pinas ang pag-host nito ng 2023 FIBA World Cup.

Hindi rin saklaw ng suspensyon ang pagla-laro ng mga Gilas players sa Philippine Basketball Association.

Sa kampo naman ng Australia ay nasuspinde rin si Daniel Kickert ng limang laro habang tatlong laro ang ipinataw kay Thon Maker at isa naman kay Chris Goulding.

Nakatanggap din ng CHF 100, 000 na multa ang Australia.

May 14 na araw ang parehong kampo upang iapela ang desisyon.

Bunsod naman ng pagkawala ng maraming manlalaro ay mayroon hanggang Agosto ang SBP upang magpasa ng bagong training pool ng mga manlalaro sa FIBA.

Kasama ang Australia at Japan ay pasok na second round ang Gilas Pilipinas at dadalhin ang 4-2 record sa carry-over phase.

Related video:

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with