^

PM Sports

Mabangis pa si Pacquiao

Dino Maragay - Pang-masa
Mabangis pa si Pacquiao

KUALA LUMPUR – Matapos ang siyam na taon ay naitala ni Manny Pacquiao ang isang knockout victory.

Muling ipinakita ni Pacquiao ang dati niyang pamatay na porma para kunin ang seventh-round technical knockout win laban kay Lucas Matthysse ng Argentina kahapon sa Axiata Arena dito.

Winakasan ng Filipino icon ang pagkauhaw sa pagposte ng isang knockout victory na huli niyang nailista noong 2009 nang pigilin si Miguel Cotto sa 12th round sa Las Vegas.

Tatlong beses pinabagsak ni Pacquiao si Matthysse sa pagkakataong ito.

Laban sa 35-anyos na si Matthysse ay naging mas maingat at mas pa-sensyoso ang 39-anyos na si Pacquiao.

“Our strategy is to be patient and take time. Don’t rush. Don’t be careless like what we did before,” sabi ni Pacquiao sa mga reporters sa post-fight press conference.

Ito ang pang-60 panalo ni Pacquiao na inilista niya sa harap nina President Rodrigo Duterte at Malaysian Prime Minister Mohamad.

Kinailangan ni Pacquiao ng 14 fights para makapagtala ng isang stoppage na ginawa niya laban kay Matthysse, ang hard-punching Argentinian.

Unang pinabagsak ni Pacquiao si Matthysse sa third round mula sa isang left uppercut.

Hindi niya nagawang tapusin ang laban.

“Matthysse, he had power. What we did is just take time,” ani Pacquiao.

Itinala ni Pacquiao ang ikalawa niyang knockdown sa pagsasara ng fifth canto nang paluhurin si Matthysse galing sa isang jab na sinundan ng right hook ngunit nailigtas ng pagtunog ng bell ang Argentinian.

Ang matulis na uppercut ni Pacquiao ang tuluyang nagpabagsak kay Matthysse sa seventh round tungo sa panalo.

Related video:

vuukle comment

LUCAS MATTHYSSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with