Walang masabi si Matthysse

Lucas Matthysse
Philstar.com/File

KUALA LUMPUR -- Walang idinahilan si Lucas Matthysse tungkol sa kanyang kabiguan kay Filipino eight-division champion Manny Pacquiao kahapon sa Axiata Arena.

Unang pinabagsak ni Pacquiao si Matthysse sa third round sa pamamagitan ng isang uppercut matapos ang pagrapido ng Senador.

At mula dito ay hindi na nakabawi ang dating WBA welterweight titlist mula sa Argentina.

“Fighting Manny Pacquiao is the most difficult part about fighting Pacquiao,” wika ng 35-anyos na si Matthysse sa 39-anyos na si Pacquiao.

Nauna nang sinabi ni Matthysse na isa nang natupad na pangarap ang makapalitan ng suntok ang Filipino boxing icon.

Kaya naman matapos ang laban ay pinuri ng Argentinian si Pacquiao.

“He’s a great fighter. He’s a great champion,” sabi ni Matthysse. “You win some, and you lose some. Today was my turn to lose, but I lost to a great fighter and a great legend in Manny Pacquiao.”

Bago ang bakbakan nila ni Pacquiao ay sinabi ni Matthysse na posible siyang magretiro kung mabibigong maidepensa ang kanyang hawak na WBA welterweight belt.

“First I would like to rest and go back home. The hard work has been done. The fight has taken place. I lost, but I walk away with my head raised. I’m sorry to Argentina, but I’m fine. Thank you for all the love and support, and we’ll be seeing all my family and friends soon,” ani Matthysse.

Related video:

Show comments