Sagupaang F2 Logistics at Foton

MANILA, Philippines – Kaagad magtatagisan ng husay ang dalawang title contenders na F2 Logistics at Foton Tornadoes habang magkakasubukan naman ang Generika-Ayala at University of the Philippines-UAI Lady Fighting Maroons ngayon sa pagbubukas sa 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference sa Smart Araneta Coliseum.

Maghaharap ang 2015 at 2016 Grand Prix champion Tornadoes ang 2017 Grand Prix title holder  Cargo Movers Tornadoes alas-6  ng gabi pagkatapos ng laban ng Generika-Ayala Lifesavers at University of the Philippines-UAI Lady Fighting Maroons sa alas-4 ng hapon.

Susubukan din nina Aby Maraño, Kim Fajardo, Cha Cruz, Kim Dy, Desiree Cheng at Majoy Baron ang bagong triple tower ng Foton na sina dating Ateneo Lady Eagles 5’11 Bea de Leon,  6’3 Dindin Santiago at 6’5 Jaja Santiago.

Bukod sa tatlo, kasama rin sa Foton sina Diana Mae Carlos, Gyzelle Sy, Isabel Molde, Ivy Perez, team captain Maika Ortiz at Joy Rosario.

Ang iba sa sampung kasaling koponan ay ang defending champion Cignal HD, 2018 Grand Prix champion Petron Blaze Spikers, Smart Giga Hitters, Sta. Lucia Lady Realtors, UE-Cherrylume Lady Warriors at Cocolife Asset Managers.

Ang Philippine national women’s team ay pinayagan ng Larong Volleyball Pilipinas, Inc. (LVPI) na maglaro, ngunit lahat ng kanilang laro ay non-bearing kaya hindi kasali sa standings.

Show comments