Cabagnot nasa PBA history

MANILA, Philippines — Sa pag-iskor ng San Miguel ng unang panalo sa Commissioner’s Cup kamakalawa ay umiskor din ng puwesto sa ka­say­sayan si Alex Cabagnot.

Nagtala ng 13 puntos at pitong assists ang 35-anyos na si Cabagnot mu­la sa bench upang pa­ngunahan ang 106-94 ta­gumpay ng Beermen – kanilang una ngayong kom­perensya – kontra sa Phoenix Fuel.

Ngunit higit sa panalo, nasikwat ni Cabagnot ang kanyang ika-2,939 assists upang lagpasan ang PBA great na si Francis Arnaiz sa ika-10 puwesto ng all-time assists list sa 43-kasaysayan ng pi­nakamatandang professional league sa Asya.

Sinundan niya sina Ro­bert Jaworski (5, 825), Ra­mon Fernandez (5, 220), Dindo Pumaren (4,043), Johnny Abar­rien­tos (3, 757), Jimmy Ala­pag (3, 406), Willie Ge­neralao (3,256), Ronnie Magsanoc (3, 228), Phi­lip Cezar (3, 130) at Ol­sen Racela (3, 085).

Show comments