2 top players babalik sa Ateneo

MANILA, Philippines — Kumpirmado na ang pagbabalik-aksyon ng da­lawang mahuhusay na mi­yembro ng Ateneo de Manila University wo­men’s volleyball team pa­ra sa UAAP Season 81 sa Set­yembre.

Desidido sina open hit­ter Kat Tolentino at mid­dle hitter Maddie Ma­dayag na maibalik sa kanilang teritoryo ang kampeonato na huli ni­lang nahawakan noong Alyssa Valdez-era Season 77 pa.

Parehong may mala­king tungkulin sina To­len­tino at Madayag sa star­ting lineup ng Lady Eagles kaya’t magandang balita ito para sa mga ta­gahanga ng tropa.

Malaking kawalan sa Ateneo si outside hitter Jhoana Maraguinot na nagpasyang hindi na ga­mitin ang kanyang hu­ling playing eligibility sa Katipunan-based squad.

Wala pa ring linaw kung magbabalik sa tropa si Bea De Leon ngunit ina­asahang magdedesis­yon sa mga susunod na linggo.

Sa kabila ng pagka­wala ng ilang matitikas na manlalaro ay buhay na buhay pa rin ang Lady Eagles dahil hahawakan ito ng multi-titled men’s volleyball coach na si Oli­ver Almadro.

Kasama pa rito ang pag­pasok ng ilang mahu­husay na rookies para samahan ang mga datihan nang manlalaro.

Isang solidong prog­rama ang inihanda ni Almadro para matiyak na mananatili ang bansag sa Lady Eagles bilang “team-to-beat.”

Show comments