^

PM Sports

Zark’s, Che’Lu Bar target ang 1-0 lead

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang apat na buwan ay dalawang kopo­nan na lamang ang natitirang matibay na nakatayo at ito ay ang Zark’s Burgers-Lyceum at Che’Lu Bar and Grill-San Sebastian.

Mag-uunahan ngayon ang dalawang koponan sa pag-angkin sa Game One ng kanilang best-of-three cham­pionship series para sa 2018 PBA Developmental League Aspirants’ Cup sa Pasig City Sports Center.

Nakatakda ang harapan sa alas-4 ng hapon kung saan ang magwawagi ay lalapit ng isang hak­bang patungo sa prestihiyosong titulo ng semi-professional league ng bansa.

Magkaibang landas ang tinahak ng dalawang koponan upang maging kauna-unahang lower see­ded teams na nakapasok sa Finals.

Winalis ng parehong koponan ang top two teams na Akari-Adamson at Marinerong Pilipino sa semifinals upang itakda ang unang Finals sa kasaysayan ng PBA D-League history na wala ang maski isa sa top two teams ng eliminasyon.

May pinakamababang ranggo sa ikaanim na puwestong papasok ng Finals, nadehado ang Jawbreakers sa terserang Centro Escolar University na armado ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals.

Nguni hindi ito inalintana ng Zark’s nang burahin ang naturang bentahe ng Scorpions gamit ang dalawang dikit na tagumpay upang makaabante sa semis kontra sa Marinerong Pilipino.

Nakasakay sa animo’y cinderella run, hindi na naawat ang Jawbreakers nang muling manindak at walisin ang best-of-three semis series nila ng Skippers para makadiretso sa Finals.

Trinangkuhan ng Most Valuable Player frontrunner CJ Perez ang apat na sunod na panalo ng Jawbreakers at nakakuha ng suporta mula kina JC Marcelino, MJ Ayaay at Mike Nzesseu.

Muli silang aatasan ni coach Topex Robinson na mamuno kontra sa itinuturing niyang paborito pa rin na Che’Lu matapos talunin ang No. 1 team na Akari-Adamson.

Tatangkain ng Zark’s na maging kauna-una­hang sixth seeded team na makapagwagi ng kampeonato sa kasaysayan ng PBA D-League.

Bitbit ang ‘twice-to-beat’ sa quarters bilang third seed, dinispatsa agad ng Revellers ang Gamboa-St. Clare sa isang laro lamang bago bulagain ang Akari-Adamson sa semis, 2-0 upang masungkit ang huling tiket sa Finals.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with