Batang Gilas sasagupa sa Australia sa FIBA U-16

MANILA, Philippines — Makikilatis ang tikas ng Batang Gilas Pilipinas kontra sa bigating Aus­tralia sa 2018 FIBA Asia Under-16 Championship sa Foshan Lingnan Mingzhu Gymnasi­um sa China.

Nakatakda ang sagu­paan ngayong alas-11 ng umaga kung saan ta­tangkain ng Batang Gi­las (1-0) na silatin ang Australia (1-0) para wa­kasan ang eliminasyon sa tagumpay.

Bagama’t pareho nang pasok sa knockout quarterfinals ay hangad ng dalawang koponan na masolo ang liderato sa Group B.

Ngunit hindi magi­ging madali ang mis­yon para sa Batang Gi­las da­hil kailangan ni­lang mag­pamalas ng per­­pek­tong laro para mag­ka­roon ng tsansang ma­ga­pi ang mga Aussies.

Tinalo ng Pi­lipinas at Australia ang Malaysia.

Nahirapan ang Ba­tang Gilas sa pagtatala ng 62-57 panalo, habang ibinaon ng Australia ang Malaysia, 110-47.

Mala­king responsibi­lidad ang nakaatang sa mga balikat ng 7-foot-1 na si Kai Sotto para pa­ngunahan ang atake ng Batang Gilas.

Nagposte si Sotto ng 12 points, 16 rebounds at 4 blocks kontra sa Ma­laysia.

Susuporta sina Terrence Fortea at Raven Cortez na nagtala ng pi­nagsamang 27 points at 21 boards. (ADimasalang)

 

Show comments