Tiongco sumipa ng ginto

MANILA, Philippines — Kinailangan lamang ni Muay Thai fighter Jer­vie Tiong­co ang hu­ling 10 segundo sa third round para pabagsakin si Yemelynov Ivan ng Russia at kunin ang gin­tong medalya sa 51 men’s kgs. finals sa 15th World Muay Federation (WMF)-Muay Thai Championships sa The Bazaar Hotel, Bangkok, Thailand noong Sabado.

Naikonekta ng 21-anyos na si Tiongco ang isang roundhouse kick sa mukha ni Ivan sa natitirang 10 segundo para sa kanyang panalo.

Matapos ang laban ay hindi napigilan ng tu­bong Olongapo ang ma­paiyak.

Nakasama ni Tiong­co sa delegasyon si Kickboxing Association of the Philippines (KAP) president Rolando Catoy, trainer/coach Ef­ren Barros at Peter Mark Bayaras, umaban­te sa quarterfinals.

Show comments