Dela Cruz, Carolino bagong coaches ng BanKo

MANILA, Philippines — Kinuha ng BanKo Perlas Spikers sina Ariel dela Cruz at Michelle Carolino bilang kapalit nina coach Nai Muhammed ng Thailand para sa kanilang layunin na magkaroon ng mas magandang performance  ngayong season sa Premier Volleyball League na magsisimula sa April 1.

Si Dela Cruz ay dating coach ng National U wo-men’s volleyball team habang si Carolino ay dating national team mainstay na huling lumaro sa Army Lady Troopers ilang taon na ang nakakaraan at susubok na ngayon sa coaching.

Sa ilalim ni Muhammed,  muntik nang makapasok ang BanKo sa semifinals ng 2017 Reinforced at Open Conferences  kung saan fifth place ang tinapos nila sa parehong torneo.

“Our coaches starting this PVL season are Ariel dela Cruz and Michelle Carolino and we’re optimistic the team will have a better year,” sabi ni Charo Soriano, isa sa founders ng Beach Volleyball Republic na may hawak ng BanKo Perlas.

Hindi nagbago ang core  ng team na kinabibila-ngan ni skipper Suzanne Roces, Kat Bersola, Amanda Villanueva, Jem Ferrer, Ella de Jesus, Gizelle Tan, Nicole Tiamzon, Mae Tajima at Amy Ahomiro.

May kinukuhang mga UAAP players ang BanKo na inaasahang ihahayag nila pagkatapos ng UAAP season.

Show comments