1-kotse, 10-motor ipamimigay sa opening ng MPBL

Maharlika Pilipinas Basketball League simula sa Jan. 25

MANILA, Philippines — Magkakaroon na ng pagkakataong magpakitang-gilas ang mga hindi pa nadiskubreng basketbolista at mga da-ting varsity o propesyunal na manla-laro sa national TV sa pagsisimula ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ni Senator Manny Pacquiao sa ABS-CBN S+A.

Inanunsyo nina ABS-CBN Sports head Dino Laurena, ALV Events International chairman Arnold Vegafria, at MPBL commissioner Kenneth Duremdes noong Enero 10 ang pagbubukas ng liga sa darating na Enero 25 sa Smart Araneta Coliseum na mapapanood ng buong bansa ng LIVE sa S+A at S+A HD.

 Tuwing Martes, Huwebes, at Sabado mula alas-7 hanggang alas-11 ng gabi ipapalabas ang mga laro sa MPBL na nagbibigay ng tsansa sa mga atleta sa grassroots at mga hindi pa nakakalaro sa malalaking liga na patuloy na habulin ang kanilang pangarap sa basketball.

Sinabi ni Vegafria, ang business manager ni Pacquiao at nagsisilbing overall head ng MPBL, sa pamamagitan ng Senador ay mayroon nang ligang tunay na aabot sa mga Pilipino. “Ngayon ano man ang antas sa buhay, basta may talento at pagmamahal sa basketball, puwede nang ipakita ang galing sa court. Nagpapasa-lamat kami at sana suportahan ito ng advertisers at fans ng basketball. Isa itong bagong lugar para makahanap ng mga maaaring tingalain sa basketball.”

 Nagpahayag ng kagalakan si Laurena sa pagpasok ng MPBL sa S+A.

“Natural lamang sa amin na magsama-sama dahil sa pareho naming kagustuhan na maiangat ang ating mga atleta at ang sports ng bansa. Tamang-tama rin ito dahil ngayon taon, ika-20 na taon na sana ng MBA (Metropolitan Basketball Association) na pareho rin ang konsepto at layunin sa MPBL,” sabi niya.

Tulad sa MBA, ang mga koponan sa MPBL ay kumakatawan ng mga lungsod, probinsya, o munisipalidad sa bansa at may “home-and-away” na format kung saan makakapaglaro sila sa harap ng kanilang mga kababayan. Sa kasalukuyan, may sampung koponan na ang MPBL mula sa Metro Manila at Luzon at nagbabalak pa silang magdagdag ng mga galing Visayas at Mindanao.

 Ayon kay Commissioner Duremdes, kailangan ang bawat team ay may hindi bababa sa tatlong player na tubo talaga sa kanilang lugar.

 “Ang bentahe rito eh ‘yung pride na maglaro ka para sa probinsiya o siyudad mo. Naniniwala kami na mas magiging exciting ito sa suporta ng fans sa kanilang mga koponan. Sa preseason pa lang, kitang-kita na ang kanilang tuwa at kagustuhan na magtagumpay ang mga kababayan nila,” sabi niya.

Para mas maengganyo ang samba-yanan, mamimigay ang liga ng isang kotse at sampung motorsiklo sa Enero 25 sa opening, ayon kay Vegafria.

Huwag palampasin ang pagbubukas ng Maharlika Pilipinas Basketball League mart Araneta Coliseum sa S+A at S+A HD. Mapapanood ang mga laro ng liga tuwing Martes, Huwebes, at Sabado mula alas-7 hanggang alas-11 ng gabi. Maaari din itong mapanood online sa iwantv.com.ph oskyondemand.com.ph. Para sa karagdagang impormasyon at iba pang mga balita, bumisita lamang sa sports hub ng ABS-CBN na sports.abs-cbn.com at i-follow ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter.

Show comments