Malapit nang makapaglaro si Stephen Curry

Stephen Curry

MANILA, Philippines — Malapit nang makabalik sina Stephen Curry, ayon sa Golden State.

Ano man ang eksaktong ibig sabihin nito kung pagbabasehan ang 2017-18 NBA Calendar ay wala itong katiyakan.

Inihayag ng Golden State Warriors nitong Martes ng gabi na ang ankle o bukung-bukong ni Curry na na-injury sa laro kontra sa New Orleans Pelicans noong December 4 ay guma-galing na.

Idinagdag pa ng team na ang timetable para sa kanyang pagbabalik-aksiyon ay maaari nang malaman sa susunod na linggo kapag na-ere-evaluate na uli si Curry.

“Golden State Warriors guard Stephen Curry, who has missed the team’s last five game due to a sprained right ankle suffered on Dec. 4 at New Orleans, was re-evaluated by the team’s medical staff. The evaluation indicated that the ankle is healing well and he is making good progress overall, enabling him to progress to modified on-court workouts in the coming days. He wil be re-evaluated in one week with the anticipation of having more clarity at that time on a potential return to game action plan,” ayon sa statement ng Golden State sa kanilang Twitter account na @WarriorsPR.

Ang Warriors ay 5-0 sapul nang ma-injury kung saan kinailangan nilang lumaro na wala si All-Star forward Draymond Green na may injury sa balikat.

Si Curry ay nag-a-average ng 26.3 points, 6.6 assists at 5.1 rebounds ngayong season.

Show comments