Torre nagpatibay ng tsansa; Antonio nalaglag

MANILA, Philippines — Pinatumba ni Grand Master Eugene Torre si International Master Her­man Van Riemsdijk of Brazil sa 13 moves ng Sicilian duel para mu­ling sumosyo sa lidera­to sa 10th round sa 65-and-above division ng 27th World Senior Chess Cham­pionships sa Italy noong Bi­yernes ng gabi.

Gagalaw na sana ang 66-anyos na si Torre pa­ra sa isang positional ad­vantage na sumuko ang 69-anyos na si Van Riemsdijk sa 13th move.

Tumabla si Torre sa lima pa kasama si da­ting leader GM Vlastimil Jansa ng Czech Republic sa magkakatulad ni­lang 7.5 points.

Yumukod si Jansa kay Russian GM Evge­ny Sveshnikov.

Kasama rin sa six-man lead pack sina Sveshnikov, four-time champion GM Anato­ly Vaisser ng France, bi­nigo ang kababayang si GM Vladimir Okhotnik; IM Arkady Shevelev ng Israel, nakipag-draw kay GM Evgeni Vasiu­kov ng Russia; and GM Lothar Vogt ng Germany, dinaig ang kababa­yang si FIDE Master Chris­toph Frick.

Lalabanan ni Torre sa kanyang huling la­ro si Vaisser, naghari sa annual event noong 2010 sa Arco, Italy, noong 20­13 sa Opatija, Croatia, noong 2014 sa Katerini, Greece at noong nakaraang taon sa Marianske Lazne, Czech Republic.

Nakipag-draw si Antonio kay 2016 king GM Giorgi Bagaturov ng Geor­gia na nagpaguho sa kanyang pag-asa sa ti­tulo sa 50-and-above.

Tumabla si Antonio kay Georgian GM Zu­rab Sturua sa third place mula sa 7.5 points.

Show comments