Gilas handang maglaro nang wala si Blatche

MANILA, Philippines — Sa kanilang send-off ka­hapon para sa pagsabak sa matinding FIBA Asia World Cup Qualifiers ay wala si Andray Blatche.

Sinabi ni national head coach Chot Reyes na kung hindi na dara­ting ang 6-foot-11 NBA veteran ay handa silang maglaro nang wala ang na­turalized player sa na­sa­bing ‘home-and-away’ window series.

“We’ll never know kung ano ang mangyayari sa sitwasyon na ito,” wika ni Reyes, halatang naiinis sa ginagawang pambibitin ni Blatche, kasaluku­yang naglalaro para sa kan­yang mother ball club na Xinjiang sa Chinese Bas­ketball Association (CBA).

Nauna nang inasahan ni Reyes na darating sa bansa si Blatche noong Nob­­yembre 12, ngunit na­­pilitang maglaro para sa Xinjiang.

Uu­m­a­­­­­a­sa pa rin si Reyes na makikita niya ang anino ni Blatche ba­go bumiyahe ang Gilas Pilipinas sa Martes patu­ngong Tok­yo para la­ba­nan ang Ja­pan sa Nob­yembre 24 sa Komazawa Sports Gymnasium.

Mula sa Tokyo ay ba­balik sa bansa ang Natio­nals para sa kanilang unang home game kontra sa Chinese-Taipei sa Nob­yembre 27 sa Smart Araneta Coliseum.

Sasailaim ang Pilipinas, Japan, Taipei at Australia sa isang double-round home-and-away se­ries kung saan ang top three teams ang aabante sa susunod na round.

Matapos matalo sa Alab Pilipinas ni dating Gilas point guard at team captain Jimmy Alapag ay magkasunod namang tinalo ng Gilas Pilipinas ang Rain or Shine, 96-75, at ang NLEX, 95-87, sa ka­nilang tune-up games.

Ang Road Warriors backcourt tandem na sina Kiefer Ravena at Kevin Alas ay naglaro para sa Na­tionals.

Show comments