2 golds sa Phl Para Gamers

Cielo Honasan at Cendy Asusano

KUALA LUMPUR — Nagpamalas ng golden performances sina sprinter Cielo Honasan at bowler Christopher Chiu Yue sa magkahiwalay na venue dito para umakyat sa tatlo ang gintong medalya ng Team Philippines sa 9th ASEAN Para Games.

Nangibabaw ang 15-anyos na si Honasan, tubong Santiago, Botolan, Zambales sa 200m T44 sa kanyang isinumiteng oras na 28.51 seconds para talunin ang Indonesian na si Karisma Evi Tiarani at Vietnamese Nguyen Thi Thuy sa Bukit Jalil National Stadium.

Umiskor naman si Yue ng 1,239 pinfalls upang igupo si Malaysians Mohd Azrin Bin Rahim na may 1,216 at Abu Bakat Bin Nyat na may 1,211 para sa tenpin bowling gold sa Bandar Sunway in Petaling Jaya, Selangor.

Ngunit higit na nagningning ang ginto ni Honasan na sumabak sa kayang unang international stint para sa may mga kapansanan.

“My dream is to compete and win here and I’m glad I got the chance to fulfill it,” sabi ni Honasan na nagsumite ng pinakamabilis na oras sa heat na 28.55, may higit tatlong segundong layo sa mga kalaban.

Sasalang uli si Honasan sa century dash ngayon at 400m bukas.

“That’s also my goal, to win three gold medals here,” sabi pa niya.

Ang Pinas ay mayroon ding dalawang  Phl silver medals sa track mula kina Jeanette Aceveda sa shotput para sa F11 and F12 combined at Arman Dino sa 400m para sa T47.

Parang gold ang silver ni Dino dahil tinalo niya ang Indonesian na si Marthin Losu at Thailander na si Yamee Sutat, ang gold at silver noong 2015 Singapore edition.

Si Dino ay may oras na 52.77 habang si Sutat ang naka- bronze sa oras na 53.38 at si Losu ay pang-fourth sa kanyang oras na 53.75.

Sa kabuuan, ang Pinas ay mayroon nang tatlong golds, anim na silvers at apat na bronze medals para sa seventh place.

 Si Cendy Asusano ang unang naka-gold kamakalawa sa javelin (F54 and F55 combined).

Overall leader ang Indonesia  na may 35-17-18 (gold-silver-bronze) medal haul kasunod ang host Malaysia at Vietnam na may 30-21-20 at 15-22-15, ayon sa pagkakasunod.

Si Raul Angolunan ay naka-bronze sa 800m para sa T46 sa tiyempong 2:11.85, sa likod ni Malaysian Muhammad Ashraf Bin Hasham (2:04.05) at Vietnamese Tran Van Duc (2:04.80).

Show comments