Dalawa sana uli ang gold ni Cray pero...

Kuala Lumpur – Dahil sa dikit-dikit na oras ng lalahukang events sa athletics, nalagasan ang trackster na si Eric Cray ng isang gintong medalya sa 29th Southeast Asian Games sa Bukit Jalil National stadium dito.

Tumakbo si Cray ng apat na beses sa isang araw kabilang na sa heats ng 100-m dash at 400-m hurdles na may pagitan lamang na isang oras bawat schedules.

Matapos makuha ng Olongapo City-born Cray ang gintong medalya sa 400-m hurdles sa 50.03 segundo, pagod na ito kaya sa finals ng 100-m dash kung saan siya ang defending champion, medyo mababa na ang kanyang energy at tumapos lamang ng silver medal sa oras na 10.43 segundo.

Nasungkit ng hometown favorite na si Khairul Hafiz sa 10.38 segundo ang gold sa 100-m dash at nagtapos sa parehong 10.43 segundo sina Cray at ang bronze medalist na si Kritsada Namsuvum ng Thailand pero nakuha ng Filipino sprinter ang silver medal.

 “I did it my best shot in the 100 but the Malaysian did run a good race,” sabi ng 2016 Rio Olympian na si Cray na nagkaroon na ng sakit sa katawan dahil sa pagod bago ang 100-m race.

Sa simula pa lamang ng kumpetis-yon ng athletics, inireklamo na ni Philippine Amateur Athletics Federation (Patafa) president Philip Ella Juico ang nangyaring pagbabago sa schedules ng 400-m hurdles at 100-m dash.

“But if the 100 finals was run tomorrow, things could have been different,” dagdag ng  Filipino-American na si Cray.

Mayroon pang isang event si Cray na 4x100-m relay at pangako niyang susungkitin ang kanyang ikalawang gintong medalya.

Sa ibang event, nakakuha ng bronze medal si Evalyn Palabrica sa women’s javelin throw sa hataw na 47.21 meters.

Show comments