2019 SEA Games hosting ayaw talaga ni Digong

MANILA, Philippines - Ayaw na talaga ng Malacañang na ituloy pa ang 2019 Southeast Asian Games dito sa Pilipinas.

Ito ang pahayag ni Philppine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez sa ginanap na press conference sa Malacañang mismo kahapon ng umaga.

“Walang committee committee d’yan. Tayo ang masusunod d’yan kasi nasa atin ang pera, tayo ang mapepreso sa COA (Commission on Audit) eh,” sabi ni Presidente Rodrigo Duterte ayon kay Ramirez sa kanilang pag-uusap bago naganap ang nasabing press conference.

 Ito na rin ang reaksiyon ni Ramirez sa pahayag ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose Cojuangco na susubukan niyang kausapin si Pangulong Duterte para iapela ang naunang desisyon ng gobyerno sa pag-atras sa hosting ng Sea Games sa 2019.

“We’ll try to arrange a meeting with the President (Duterte) and directly appeal to him to reconsider the earlier decision to junk the hosting of the 2019 Sea Games,” sabi ni Cojuangco sa General Assembly meeting ng POC noong Miyerkules sa Wack Wack Golf and Country Club.

“Iba lang talaga ang narinig niya (Duterte). Siguro if he sees this he won’t disagree,” dagdag ni Cojuangco sa nangyari GA meeting ng POC.

Sinabi pa ni Cojuangco na marami na ring mga private sponsors ang nagpahayag ng suporta kaya maliit na lamang ang gagastusin ng gobyerno.

Ngunit ayon kay Ramirez, mayroon pang mga bagay na dapat ayusin ang POC kaysa mag-host na agad ng Sea Games.

Hindi pa naresolba ang problema kagaya ng mahigit P27 million na ginastos ng gobiyerno noong 2005 hosting dito sa Pilipinas na pinasasauli ng COA.

Kung natatandaan, binawi ng Malacañang ang suporta sa hosting ng 2019 Sea Games noong Biyenes dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng Mindanao at nais ng gobyerno na pagtuunan na lang ang pagresolba sa problema ng Marawi City. FCagape

Show comments