Beermen tumibay sa ‘twice-to-beat’

Sinupalpal ni Alaska import Cory Jefferson ang tira ni Arwind Santos ng San Miguel. (PBA Ima-ges)

MANILA, Philippines - Mula sa three-point lead sa halftime ay tinalo ng Beermen ang Aces sa pamamagitan ng 12-point victory.

Binigo ng San Miguel ang Alaska, 109-97, para patibayin ang kanilang pag-asa sa ‘twice-to-beat’ bonus sa quarterfinal round ng 2017 PBA Commissioner’s Cup ka-gabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Nakabawi ang Beermen mula sa nauna nilang kabiguan sa Ginebra Gin Kings, habang nalasap ng Aces ang kanilang ikaanim na sunod na kamalasan matapos ang 4-0 panimula.

Kinuha ng San Mi-guel ang 53-50 abante sa halftime bago humataw sa third period para ilista ang 71-59 abante sa 6:44 minuto nito.

Mula dito ay hindi na nakabangon ang Alaska.

Sa unang laro, nalam-pasan ng talsik nang NLEX ang kinamadang game-high na 42 points ni Matthew Wright ng Phoenix para kunin ang 116-114 panalo.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Road Warriors, nakahugot ng 22 points kay Alex Mallari, matapos ang 0-9 marka.

Nagdagdag naman si one-time PBA Best Import Wayne Chism ng 20 markers kasunod ang 14 at tig-10 points nina JR Quiñahan, Carlo Lastimosa at Kevin Alas, ayon sa pagkakasunod.

 

Show comments