Westbrook sinira ang NBA record sa triple-double

DENVER - Tumayo ang mga fans at itinutok ang kanilang mga cellu-lar phones sa superstar na nakasuot ng orange jersey.

Ang bawat posesyon para sa Oklahoma City sa fourth quarter ay tsansa para makagawa ng NBA history.

Kaya naman nagsigawan ang mga fans sa loob ng Pepsi Center, maski na ang mga kampi sa Nuggets, nang magtala si Thunder guard Russell Westbrook ng assist para sa kanyang record-setting na ika-42 triple-double sa season.

Nasaktan naman sila nang maipasok ni Westbrook ang nakakagulat na 36-foot shot sa final buz-zer na tumapos sa season ng Denver.

Sinira ni Westbrook ang 41 triple-double record na ipinoste ni Oscar Robertson noong 1961-1962 season sa kanyang assist kay Semaj Christon na pumutol sa abante ng Nuggets sa 10 points sa huling apat na minuto sa laro.

Nagsalpak si Westbrook, tumapos na may 50 points, 16 rebounds at 10 assists, ng tatlong sunod na free throws galing sa flagrant at technical fouls ni Nikola Jokic para sa five-point deficit ng Thunder sa huling 1:56 minuto.

Muling tumipa si Westbrook ng tatlong foul shots at isang layup na nagdikit sa Oklahoma City sa 103-105 agwat sa natitirang 27.1 segundo.

Tumalbog ang runner ni Jokic sa panig ng Nuggets at nakuha ni Westbrook ang rebound sa huling 2.9 segundo para sa kanyang buzzer-beating triple.

“It's something you dream about as a little kid to be able to do that on the road, especially from that distance,” wika ni Westbrook.

Sa Atlanta, buma-ngon ang Hawks mula sa 26-point deficit para balikan ang Cleveland Cavaliers sa overtime, 126-125.

Pinamunuan ni Paul Millsap ang pagbangon ng Hawks mula sa 67-93 pagkakabaon sa third quarter patungo sa extra period.

Show comments