Cignal-San Beda abot-kamay na ang outright semis

MANILA, Philippines - Tinalo ng Cignal-San Beda ang Victoria Sports-MLQU, 83-68 upang lumapit sa outright semifinals slot sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City kahapon.

Nagtala ng double-double na 16-puntos at 11 rebounds si dating La Salle Green Archer Jason Perkins para pamunuan ang Hawkeyes na uma-ngat sa 6-1 rekord sa itaas ng standings.

Nagsagutan ng sco-ring run ang magkabilang koponan sa huling quarter kung saan natapyas ng Victoria ang 70-54 na bentahe ng Hawkeyes, sa 70-65, subalit sinagot naman ito ng 10-2 run ng Hawkeyes para lumapit sa isang panalo ang kanilang inaasam na puwesto sa semis.

Gumawa naman ng 12 puntos si Aris Dionisio na sinegundahan ng 11 puntos at 10 rebounds ni Jayson Grimaldo para sa Victoria-Sports na nalaglag sa 1-6 na baraha at sa playoff contention ng torneo.

Sa isa pang laro, pi-nadapa ng Team Batangas ang Blustar Detergent, 92-68.

Kumolekta ng 21 puntos, 12 rebounds at apat na assists si shooting guard Joseph Sedurifa habang nag-ambag naman ng 13 puntos, 14 na rebounds at apat na steals si Cedrick Ablaza mula sa bench para pamunuan ang kanilang provincial team na kunin ang pangalawang sunod na panalo.

Matapos maibaba sa anim na puntos ng Dra-gons ang kanilang 17-6 na bentahe sa pagtatapos ng first quarter, nagpakawala ng 15-6 run ang Team Batangas upang isara ang first half at lumamang ng 46-30 at mula doon ay hindi na nakaporma pa ang Dragons.

Naging malaking problema ng Blustar sa laro ang magandang ikot ng bola ng mga Batangueño na nakapaglista ng 25 assists kumpara sa 12 lamang ng Malaysian guest team.

Umiskor naman ng 19 puntos ang isa sa local players na si Tristan Perez para sa Blustar na wala pa ring panalo sa loob ng anim na laro dahilan paramasibak sa kontensiyon.

Gumanda naman sa 3-4 ang rekord ng Team Batangas. FML

 

Show comments