JRU sinilat ang Racal

(Pang-masa) - February 28, 2017 - 10:17pm

MANILA, Philippines - Nasilat ng Jose Rizal University ang Racal Ceramica sa iskor na 77-75 sa pagpapatuloy ng 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa JCSGO Gym sa Cubao Quezon City kahapon.

Natambakan ang Heavy Bombers sa first quarter sa talang 21-9 bago nila maagaw ang bentahe  sa ika-5:12 minuto ng huling canto, 68-66. Mula doon ay napalaki nila ito sa 75-68 na tinapyas ng Tile Masters sa 77-75 sa huling 40 segundo sa tres ni Jackson Corpuz.

Subalit matapos nito ay nagkamali ng pasa si Rey Nambatac sa huling dalawang segundo ng laro at tuluyan nang naiuwi ng Heavy Bombers ang panalo.

Umiskor ng 20 puntos si Teytey Teodoro upang pangunahan ang JRU na makatabla sa 3-3 na kartada ang Tanduay at pataasin ang kanilang tsansang makapasok sa quarterfinals.

Nag-ambag rin naman ng 12 puntos at walong rebounds ang nagbabalik-D-League na si John Ambuludto para sa JRU.

Tumikada naman ng 19 puntos si Corpuz para sa Racal na nasa isang three-way tie sa 5-1 kasama ang Cignal-San Beda at CafeFrance matapos malasap ang kanilang unang pagkatalo sa torneong ito.

Sa isa pang laro, ginulat ng Wangs Basketball ang AMA Online Education sa iskor na 98-93.

Namuno para sa Couriers si Von Tambeling na kumana ng 21 puntos, kasama ang pitong rebounds, apat na assist at tatlong steals para mapi-gil ang kanilang limang sunod na pagkatalo.

Nakakuha rin ng double-digit na kontribusyon sa puntos ang Couriers kina Rey Publico, Marlon Gomez, John Tayontong at Mark Montuano para buhatin ang kanilang koponan laban sa Titans.

Hinabol ng Titans ang 46-31 na kalamangan na pinoste ng Couriers sa second quarter na kanilang naibaba sa 96-89 sa nalalabing 1:51 ng fourth quarter, subalit nahirapan silang agawin ito dahil sa mahigpit na depensa ng Wangs. (FML)

 

JOSE RIZAL UNIVERSITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with