Mainit ang simula ng LA Clippers

Si Blake Griffin ng LA Clippers sa tangkang layup laban kay Andrew Wiggins ng Minnesota

MINNEAPOLIS — Kumolekta si forward Blake Griffin ng 20 points at 11 rebounds habang humakot si center DeAndre Jordan ng 18 points at 16 boards para tulungan ang Los Angeles Clippers na palawigin ang kanilang franchise-best start sa pamamagitan ng 119-105 panalo laban sa Minnesota Timberwolves.

Nagdagdag si point guard Chris Paul ng 19 points at 8 assists kasunod ang 18 markers ni J.J. Redick para sa Clippers (9-1) na may best record ngayon sa NBA.

“This is the best team I’ve had here,” sabi ni Clippers coach Doc Rivers. “But we got to keep doing it. We’ve got to keep getting better and performing. But this is a heck of a basketball team.”

Sa Houston, kumamada si Kawhi Leonard ng 20 points para pangunahan ang 106-100 panalo ng San Antonio Spurs laban sa Rockets.

Naiganti ng Spurs ang kanilang 99-101 kabiguan sa Rockets sa San Antonio noong Miyerkules at itinala ang 5-0 marka sa kanilang mga road games kung saan nila tinatalo ang mga kalaban nila sa ave-rage na 12.8 points.

Nagtumpok naman si James Harden ng triple-double sa kanilang ikalawang sunod na pagsagupa sa Spurs sa kanyang tinapos na 25 points, 13 assists at 11 rebounds.

Ngunit nakagawa siya ng mahahalagang pitong turnovers.

Sa Miami, nagpasabog si Gordon Hayward ng 25 points kasunod ang 17 ni Rodney Hood para pangunahan ang 102-91 panalo ng Utah Jazz kontra sa Heat.

Ito ang ikaapat na sunod na kabiguan ng Miami.

Nagtala si Rudy Gobert ng 12 points at 12 rebounds para sa Utah na muling naglaro nang wala sina George Hill (right thumb) at Boris Diaw (right knee).

Nagposte naman si Hassan Whiteside ng 15 points at 14 rebounds sa panig ng Heat (2-6) na nasa kanilang worst start sapul noong 2007-08.

Sa Toronto, tumipa si DeMar DeRozan ng 33 points at may 19 si Norman Powell para sa 118-107 paggiba ng Raptors sa New York Knicks sa ikaapat na sunod na pagkakataon.

Ito ang pang-walong laro ni DeRozan, ang NBA leading scorer, na nagtala siya ng 30-plus-point ngayong season para makabilang sa exclusive club.

Sa nakaraang 50 taon ay tanging sina Michael Jordan, World B. Free at Tiny Archibald ang si-nimulan ang season na naglista ng 30-plus points sa walo sa kanilang unang siyam na laro.

Show comments