PBA Press Corps Annual Awards sa Sabado na
(Pang-masa) - October 18, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pararangalan ng PBA Press Corps ang mga top personalities na nangibabaw sa katatapos na season sa pagdaraos ng Annual Awards Night sa Sabado sa Gloria Maris restaurant sa loob ng Gateway Mall sa Araneta Center sa Cubao.

Gugunitian sa pang alas-7 ng gabing event ang namayapang si legendary coach Virgilio ‘Baby’ Dalupan, ang Coach of the Year award ay ipinangalan sa kanya ng PBAPC.

Inimbitahan ang pamilya, mga players, league officials at kasamahan ng tinaguriang ‘The Maes-tro’ sa okasyon na inihahandog ng Cignal para alalahanin ang champion coach ng Crispa, Great Taste at Purefoods na namatay sa edad na 92-an-yos noong Agosto.

Nagtala si Dalupan ng kabuuang 15 cham-pionships sa pro league – kasama dito ang kauna-unahang PBA Grand Slam noong 1976 – isang all-time record na kamakailan ay binasag ni Barangay Ginebra coach Tim Cone.

Ang Baby Dalupan Coach of the Year award ang muling tampok na parangal na nakamit ni coach Leo Austria ng San Miguel noong nakaraang taon.

Ipagkakaloob din ang Executive of the Year, tinanggap ni TNT Katropa board of governor Patrick Gregorio noong 2015.

Pararangalan sa formal rite na suportado ng Chancellor bilang official outfitter ay ang Mighty Sports-Defensive Player of the Year, Bogs Adornado Comeback Player, Mr. Quality Minutes at ang Accel Order of Merit na awtomatikong ibibigay sa player na may pinakamaraming beses nahirang na Player of the Week.

Ang iba pang awards na ipapamahagi ay ang scoring champion, Accel All-Rookie team at ang All-Interview team na ibabalik ng PBAPC nga-yong taon.

PBA PRESS CORPS ANNUAL AWARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with