Bullpups dumiretso sa 8-0

MANILA, Philippines – Tuluyan nang nasakmal ng National University Bullpups ang kanilang pang-walong sunod na pa­na­lo para manatili sa liderato sa second round ng 78th UAAP juniors’ basketball tournament.

Nagtala sina John Lloyd Clemente at Justine Baltazar ng double-doubles para igiya ang Bull­pups sa 81-69 panalo kontra sa nagdedepensang Ate­neo Blue Eaglets kahapon sa Filoil Flying V Are­na sa San Juan.

Kumolekta si Clemente ng 21 points at 13 rebounds at humakot si Baltazar ng 15 points at 20 boards para muling banderahan ang NU, naglista ng 25-point lead sa Ateneo.

Ikinasa ng Bullpups ang kanilang malinis na 8-0 kartada at kinumpleto ang pagwalis sa kanilang season series ng Blue Eaglets.

Nauna nang tinalo ng NU ang Ateneo, 73-60, sa first round noong Disyembre 12.

Show comments