SSC volleybelles nakalapit sa sweep

MANILA, Philippines – Pinataob ng San Sebastian ang Letran, 25-11, 25-17, 25-15 para makalapit sa pagwalis sa elimination round sa women’s division ng 91st NCAA volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Humataw si Soltones, ang reigning league MVP ng 13 hits para sa pang-pitong sunod na ratsada ng Lady Stags at dalawang panalo na lamang ang kailangan para kumpletuhin ang sweep at pagsikwat sa unang finals berth kung saan nila hahawakan ang “thrice-to-beat” advantage.

Gumagamit ang NCAA sa volleyball competition ng bagong format na kahalintulad sa basketball kung saan ang top four teams matapos ang single-round elimination ay aabante sa Final Four.

Ang Nos. 1 at 2 teams ay magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa Nos. 4 at 3 squads, ayon sa pagkakasunod.

Ang sweep naman ay nangangahulugan ng outright finals seat at ang koponang makakagawa nito ay magkakaroon ng 1-0 edge sa best-of-five series, habang ang susunod na tatlong tropa ay dadaan sa stepladder semifinals.

Ang huling dalawang lalabanan ng San Sebastian ay ang Lyceum sa Biyernes at ang St. Benilde sa Linggo.

“Yes, we’re hoping to sweep but it will not be easy,” sabi ni San Sebastian coach Roger Gorayeb, nakakuha ng Grand Slam sa Shakey’s V-League at hinirang na national women’s team coach noong nakaraang taon.

Nasa ikalawang puwesto naman ang defending champion Arellano sa kanilang 6-1 (win-loss) record kasunod ang St. Benilde (5-1) at Perpetual Help (4-2).

Sa men’s play, tinalo naman ng San Sebastian ang Letran, 18-25, 26-24, 25-23, 25-23 para sa kanilang 3-4 marka.

Show comments