Nationals yumukod sa Chinese sa finals

CHANGSHA – Bago pa man ang kanilang finals match ay litaw na li­­taw na ang ginawang pang­gugulang ng China.

Hindi na naitago ni Sa­mahang Basketbol ng Pi­li­pinas president Manny V. Pangilinan ang pagkainis sa ginawang dela­ying at distracting tactics ng host country ilang oras bago ang laro ng Gilas Pi­lipinas at China.

“Now it has begun. Our Gilas electric bus de­­layed. Failed to charge daw. Gilas arrival at stadium delayed. Less time for warm up,” sabi ni Pangi­li­nan sa kanyang Twitter account na @IamMVP.

Tinalo ng China ang Gi­­las Pilipinas, 78-67, pa­­ra pagharian ang 2015 FI­BA Asia Championship at angkinin ang nag-iisang tiket sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil kagabi dito sa Changsha Social Work College Gymnasium.

Huling natikman ng Na­tionals ang bentahe sa 15-10 bago naghulog ang Chinese ng 11-0 atake pa­ra kunin ang 21-15 abante patungo sa 46-35 kalama­ngan sa halftime.

Ikinasa ng China ang 16-point lead, 60-44, sa hu­ling tatlong minuto ng third period.

Inakusahan ni Pangi­li­nan ang China ng pagka­kait ng tiket sa Gilas coa­­ching staff at sa ibang hotel din nakatira ang mga Chinese na hindi naaayon sa FIBA regulations.

Sa unang laro, tinalo ng Iran ang Japan, 68-63, para kunin ang third place trophy.

Tumipa si Nikkhah Bah­rami ng 35 points para sa panalo ng mga Ira­nians.

Ang Gilas Pilipinas, Iran at Japan ay maaaring ma­kakuha ng Olympic berth kung maghahari sa alinman sa tatlong World Qua­lifying Tournaments sa Hulyo 4-10, 2016 sa tatl­ong bansa.

Ang 18 qualifiers ay ha­­hatiin sa tatlong grupo na may tig-anim na kopo­nan para sa tatlong WQT ilang linggo bago ang Rio Olympics na nakatakda sa Agosto 5-21.

Bukod sa China at nag­­dedepensang United States, ang iba pang mag­lalaro sa 2016 Olympics ay ang AfroBasket champion na Nigeria, FIBA Americas titlist na Ve­ne­zuela at runner-up Ar­gentina, EuroBasket king na Spain at runner-up Li­thuania, host Brazil at Australia.

Show comments