Aasa na lang si Khan

MANILA, Philippines – Ipinapasakamay na lamang ni British star Amir Khan sa kanilang promoter at adviser ang pagtatakda sa kanilang laban ni Manny Pacquiao sa susunod na taon.

“Obviously, we both want to fight, right now it’s up to the promoters,” sabi ni Khan, ang adviser na si Al Haymon ay inihabla ni Bob Arum ng Top Rank Promotions dahil sa unfair business practices.

Ang 36-anyos na si Pacquiao (57-6-2, 38 KOs) at ang 26-anyos na si Khan (31-3-0, 19 KOs) ay parehong nasa bakuran ng Top Rank ni Arum.

Ang pangalan ni Khan, dating sparmate ni Pacquiao sa ilalim ni chief trainer Freddie Roach, ang unang nabanggit ni Arum na maaaring labanan ni ‘Pacman’ sa 2016.

“A Pacquiao fight is something I would love to have. I think it can happen,” sabi ni Khan, sinasanay ngayon ni Virgil Hunter matapos umalis sa kampo ni Roach. “That would be a huge fight. With his fan base and my fan base, that’s a huge international fight.”

Nanggaling si Pacquiao sa unanimous decision loss kay Floyd Mayweather, Jr. (49-0-0, 26 KOs) noong Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Kumpara kay Khan, mas gusto ni Roach na makalaban ng Filipino world eight-division champion si Danny Garcia (31-0-0, 18 KOs).

Bukod kina Khan at Garcia, ang iba pang maaaring labanan ni Pacquiao sa susunod na taon ay sina  IBF welterweight king Kell Brook (36-0-0, 24 KOs) at WBO light welterweight titlist Terence Crawford (26-0-0, 18 KOs). (RC)

Show comments