Best classes sa Ateneo at Xavier

MANILA, Philippines – Muling pamamahalaan ng Ateneo at Xavier School ang basketball clinics na inorganisa ng award winning na Best Center (Basketball Effi­cien­cy and Scientific Training Center.

Ilalatag ang Preparatory Levels 1-5 sa Aug. 29-Oct. 17 sa Ateneo covered courts sa Katipunan, Que­zon City.

Ang mga klase tuwing Sabado ay nakatakda sa alas-8 hanggang alas-11:30 ng umaga.

Ang Levels 1-3 ay gagawin sa Xavier School si­mula sa Setyembre 5 hanggang Oktubre 17 sa ala-1 hanggang alas-4:30 ng hapon.

Ang klase sa Xavier tuwing Linggo ay magsisimula sa Agosto 30 hanggang Oktubre 18 para sa Le­vels 1-3.

Ang Best Center, itinataguyod ng Milo, ang isang Hall of Fame Awardee ng Philippine Sportswriters Association at Olympism awardee ng Phi­lip­pine Olympic Committee para sa pagsisimula ng scientific basketball clinics sa bansa.

Show comments