Last na ni Mayweather ang laban niya sa Sept.

MANILA, Philippines - Dahil wala nang balak si Floyd Mayweather Jr. na pumirma ng bagong kontrata sa Showtime Sports ay posibleng magretiro na siya matapos ang kanyang laban sa Setyembre.

Ito ang pahayag kahapon ni Stephen Espinoza, ang executive vice president at general manager ng Showtime Sports na may karapatang magpalabas ng mga la­ban ni Mayweather.

Ayon kay Espinoza, balak na ng 38-anyos na si May­weather na tuluyan nang isabit ang kanyang gloves.

“There is not a shred of truth in all of these reports about an extension being negotiated. From every conversation the two sides have had, Mayweather is sticking to his guns – for the moment – that September 12th will be his final pro-fight,” wika ng Showtime official.

Sinasabing gustong labanan ni Mayweather si light welterweight con­tender Andre Berto at hangad na magretiro bit­bit ang perpektong 49-0 record.

Ang kanyang pakiki­pagsagupa kay Manny Pac­quiao noong Mayo ang kinilalang pinakama­laking boxing match na naitakda kung saan mil­yones ang kinita ng dalawang boksingero.

Ang matagumpay na pag­daraos ng Maywea­ther-Pacquiao fight ang nag­bigay ng espekulas­yon sa mga boxings fans na magkakaroon ng rematch ang dalawa.

Show comments