Paboritong manalo si Mayweather pero...

LAS VEGAS – Naniniwala si Manny Pacquiao na magagawa niya ang hindi nagawa ng 47 pang fighters -- ang talunin si Floyd Mayweather Jr. sa boxing ring.

Marami rin ang naniniwala kay Pacquiao. At ang kanilang opinyon ay sinasamahan nila ng pera.

Lumiit na ang odds para sa naturang laban nina Pacquiao at Mayweather sa legal sports books.

Sa kanilang pag-akyat sa ring sa May 2, hindi maikakailang paboritong manalo si Mayweather.

“I’ve never seen Mayweather this low eight weeks out before the fight,” sabi ni Jimmy Vaccaro, tumataya sa mga laban sa huling apat na dekada sa Las Vegas. “This is as close as we get to a legitimate pick `em fight since Mayweather fought (Oscar) De La Hoya.”

Si Mayweather ay 2 1/2-1 favorite sa karamihan ng mga sports books nang pormal na ihayag ang laban.

Sa nakaraang linggo ay sinabi ni Vaccaro na may $10,000 bets para kay Pacquiao na dahilan para itulak niya ang betting line sa mga fans ni Mayweather.

“It’s a one-way attack on Pacquiao,” wika ni Vaccaro. “We’re well into a six-figure loss right now if Pacquiao wins.”

Maaaring mabago ito kapag ang mga “smarts” ay nagsimulang pumili ng kanilang mga tatayaan dalawang buwan bago ang laban.

Kapwa sinimulan na nina Pacquiao at Mayweather ang kanilang mga training camps na nagbigay sa mga bettors ng panahon para timbangin ang kanilang opinyon.

Sinabi ni Vaccaro na si Mayweather ay minus-300 favorite at si Pacquiao ay plus-250 underdog.

Nangangahulugan na ang isang bettor ay kailangang pumusta ng $300 para manalo ng $100 kay Mayweather, habang dapat tumaya ng $250 para makakolekta ng $100 bet kay Pacquiao.

Ayon kay Vaccaro, nakatanggap siya ng $3,000 bet para kay Pacquiao at patuloy itong lumalaki.

“The smarts really aren’t jumping in yet, they’re going to wait to see how low it goes,” ani Vaccaro. “They’re telling you that they think it will get much lower.”

Sa pinakabagong odds sa South Point, si Mayweather ay minus-200. Samantalang si Pacquiao ay plus-170 at nangangahulugan na si Mayweather ay 2-1 favorite sa man-to-man betting.

Sa Westgate Las Vegas Superbook, si Mayweather ay minus-210 at si Pacquiao ay plus-180.

Show comments