Dato nagbigay ng ginto sa Team UAAP-Philippines

MANILA, Philippines – Kumolekta ang Team UAAP-Philippines ng gold medal mula kay Ateneo swimming sensation Hannah Dato sa 17th ASEAN University Games na magwawakas ngayon sa Palembang, Indonesia.

Nagreyna ang Season 77 swimming MVP na si Dato sa women’s 200-meter individual medley event.

Ito ang kanyang pangatlong gintong medalya sa kompetisyon.

Nagsumite ang Palarong Pambansa veteran ng bilis na 2:21.13 para ungusan sina Cai Lin (2:22.21) ng Malaysia at Ressa Dewi (2:22.73) ng In­donesia.

Nanatili ang mga Filipino student athletes sa fifth place sa kanilang 10 golds, 10 silvers at 18 bronze medals.

Nakahugot rin ang Team UAAP-Philippines ng dalawang bronze medals mula kay Jessie Khing Lacuna sa men’s 200-meter individual medley at sa women’s 4x100 meter medley relay team nina Dato, Ariana Herranz, Roanne Yu ng Ateneo at Uni­versity of the Philippines bet Denjylie Cordero.

Patuloy na nangunguna ang host Indonesia sa medal tally sa kanilang hinakot na 57-68-43 kasunod ang Thailand (50-31-20), Malaysia (32-35-46) at Vietnam (24-14-2).

Nakakuha ang Team UAAP-Philippines ng tig-apat na golds sa swimming at taekwondo.

Show comments