Puwede pa si ‘Paeng’

MANILA, Philippines – Ipinakita na naman ni world champion Paeng Nepomuceno ang kanyang hindi matatawarang talento nang kunin ang Senior Masters at Mixed Open titles sa 1st Nobleland Open Bowling Cup championships noong Linggo sa E-Lanes Center sa San Juan City.

“I’m so happy because I consider my victories quite unique,” sabi ni Nepomuceno.  “Usually, a senior bowler beats only fellow seniors.  But in this case, I also won over young bowlers (sa mixed open and singles events).”

Inangkin din ng 57-an-yos na si Nepomuceno, ang nag-iisang four-time winner ng World Cup, ang open men/ladies crown.

Dinala ang Nobleland, nagtala si Nepomuceno ng 2328 sa 10 games para talunin sina Nilo Penado (2321) ng PBA at Sammy Say Sy (2300) ng MTBA-Henrich sa Senior Masters event.

Nagpagulong ang veteran bowler ng 2889 sa 12 games para daigin sina Carlo Mansilu-ngan (2852) at Kevin Cu (2801) sa Mixed Open.

Naglista naman siya ng 736-739 para sa 1475 upang daigin sina Kenneth Chua (1454) at Sammy Say Sy (1417) sa men/ladies singles competition.

Show comments