^

PM Sports

Shakey’s V-League Season 11 men’s title Systema vs IEM

Pang-masa

MANILA, Philippines – Malalaman ngayon  kung sino sa Systema Active Smashers at Instituto Estetico Manila Volley Masters ang mas mahusay na koponan sa Game Three ng men’s division finals sa Shakey’s V-League Season 11 sa The Arena sa San Juan City.

Nagkaroon ng sudden-death sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at may ayuda pa ng Accel at Mikasa matapos paghatian ng dalawang koponan ang naunang dalawang laro sa best-of-three series.

Nakauna ang Systema, 21-25, 23-25, 25-19, 25-23, 16-14, pero nakabawi ang IEM nang manalo sa huling dalawang sets sa ikalawang tagisan, 19-25, 25-19, 13-25, 25-21, 15-13.

Mapapanood ang bakbakang ito matapos ang pagtutuos ng FEU Tamaraws at RTU Blue Thunders sa ganap na ika-12:45 ng hapon para sa ikatlong puwesto. Ang laro ay mapapanood din sa GMA News TV.

Huling nanalo ang Volley Masters kaya sila ang ipinalalagay na may momentum.

Pero dahil isang linggo ang nakalipas matapos ang huling bakbakan, inaasa-hang nakapaghanda na rin nang husto ang Systema para siyang kilalaning kampeon sa kauna-unahang men’s division ng liga. (AT)

BLUE THUNDERS

GAME THREE

INSTITUTO ESTETICO MANILA VOLLEY MASTERS

SAN JUAN CITY

SHAKEY

SPORTS VISION

SYSTEMA

SYSTEMA ACTIVE SMASHERS

V-LEAGUE SEASON

VOLLEY MASTERS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with