Batang Gilas nalo sa Kazakhs

MANILA, Philippines - Pinaamo ng Batang Gilas ang mga nakalabang mas malalaking player ng Kazakhstan tungo sa 86-74 panalo upang makasiguro ng hindi bababa sa sixth place finish sa 23rd FIBA-Asia Under-18 Championship sa Al-Gharafa gym sa Doha, Qatar nitong Miyerkules ng gabi.

May tsansa ang Nationals na suportado ang biyahe ng MVP Sports Foundation at Smart, na magtapos sa fifth place kung tatalunin nila ang Japan, dumurog sa Malaysians sa 87-63 iskor, sa kanilang showdown na nilalaro habang sinusulat ang balitang ito.

Samantala, dinurog ng China ang Chinese Taipei, 92-50 at inilampaso ng Iran ang South Korea, 78-60, upang isaayos ang kanilang labanan para sa gold medal. Pareho na silang nakakasiguro ng slot sa 2015 FIBA U-19 World sa Greece.

 

Show comments