Miller, Jones pinapirma ng Cavaliers

CLEVELAND – Opisyal na inihayag ng Cavaliers ang pagpapapirma kina Mike Miller at James Jones, ang dalawang shooters na nanalo ng NBA titles kasama si LeBron James sa Miami.

Sina Miller at Jones ay nakipagkasundo agad sa Cavs matapos ihayag ni James ang kanyang pagbabalik sa Cleveland at pagpirma ng two-year, $41 million contract.

Ang 14-year veteran na si Miller ay lumaro sa Orlando, Memphis, Minnesota, Washington at Miami. Nag-average siya ng 11.8 points, 4.6 rebounds at 2.8 assists. Inaasahang maibibigay ni Miller sa Cavs ang kinakailangang outside shooting threat at makakagawa ng paraan para maging open si James.

 Noong nakaraang season, nagtala si Miller ng 46 percent (107-233) sa kanyang 3-pointers sa Grizzlies.

Shooter din si Jones na may 40 percent sa kanyang career triple at nanalo sa  3-point shootout sa 2011 All-Star game.

Show comments