Chess olympiad sa PSA forum

MANILA, Philippines - Ang magiging kampanya ng Pilipinas para sa darating na Chess Olympiad sa Tromso, Norway ang pag-uusapan sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Shakey’s Malate.

Si National Chess Federation of the Philippines (NCFP) secretary-general Jayson Gonzales ang mag-uulat ukol sa paghahanda ng mga Filipino woodpushers para sa event na nakatakda sa Agosto 1-14 sa public sports program na isinasaere nang live sa DZSR Sports Radio 918 at inihahandog ng Shakey’s, Accel at ng Philippine Amusement and Gaming Corp.

Dadalo din sa sesyon na magsisimula sa alas-10:30 ng umaga sina Gilda Go, marketing communications officer ng Healthway, Jefe Ferdie Munsayac, founder ng Underground Battle (UGB) na ikinukunsiderang premier amateur MMA league sa bansa at sa Jujeath Nagaowa, ang unang Filipina fighter sa One FC.

 

Show comments