Glen Davis Clippers pa rin

LOS ANGELES – Mananatili si Big Baby sa Los Angeles Clippers.

Inihayag ng team nitong Sabado na muli nilang pinapirma ng kontrata si Glen Davis, nag-average ng 4.2 points at 3.0 rebounds sa 23 games noong nakaraang season nang pumasok siya sa Clippers bago matapos ang February.

Ang 28-gulang na free-agent forward ay lumaro para sa Orlando at Boston kung saan siya at ang kasalukuyang Clippers coach na si Doc Rivers ay nanalo ng NBA championship noong 2008.

Show comments