Light Bombers may pambawi

MANILA, Philippines - Ipinaghiganti ng host Jose Rizal University Light Bombers ang pagkatalo ng kanilang seniors team nang itakas ang 76-74 sa nagdedepensang kampeon San Beda Red Cubs sa pagbubukas ng Season 90 NCAA juniors basketball sa San Juan Gym.

Mahusay na alley-hoop play sa pagitan nina MJ Dela Vergel at Darius Estrella sa huling 1.8 segundo para makita ng JRU ang sarili na nangunguna sa dibisyon.

“Proud ako sa ipinakitang puso ng mga players ko. Sana ang panalong ito ay magsilbing inspirasyon sa kampanya namin,” wika ni dating Heavy Bombers center na ngayon ay coach ng Light Bombers Natha-niel Gregorio.

Naibsan din kahit paano ang nalasap na 49-57 kabiguan ng Heavy Bombers sa Red Lions sa seniors game na siyang nagbukas ng aksyon sa pinakamatandang collegiate league ng bansa noong Sabado.

Show comments