Wade may $5K multa dahil sa flopping

MIAMI -- Pinagmulta si Miami guard Dwyane Wade ng NBA ng $5,000 matapos makita sa video ang kanyang ginawang flopping sa Game 2 ng NBA Finals na itinawag kay San Antonio guard Manu Ginobili.

Ngunit si Ginobili, ikinukunsiderang master flopper, ay hindi pa nabibigyan ng warning dahil sa flopping ngayong season.

“He took a swipe and he hit me,’’ sabi ni Wade bago ihayag ang kanyang pagmumulta. “It was a late call by the ref, but he called it.’’

Iba naman ang nakita ng NBA.

Ito ang pang-limang flopping violation sa playoffs na naitatawag ng isang beses sa bawat 17.2 games.

Sinabi ng NBA na ang 35 flops ay nakita sa regular season o isa sa bawat 35.1 games.

Hindi pinagmulta ang mga players sa regular season hanggang sa kanilang ikalawang flop sa season, habang sa playoffs ang bawat flop ay may katapat na multa.

Show comments