Cotto hahamunin si Martinez ngayon

NEW YORK -- Ha­ngad ni Miguel Cotto na ma­ging kauna-unahang four-division champion ng Puerto Rico sa kanyang paghahamon kay world middleweight king Ser­gio Martinez ng Ar­gen­tina ngayon sa Madison Square Garden.

Matapos ang kanyang mga kabiguan kina  Floyd Mayweather Jr. at Austin Trout noong 2012 ay lu­mi­pat si Cotto sa kampo ni trainer Freddie Roach.

Lubos ang paniniwala ni Cotto na maagaw niya kay Marti­nez ang hawak nitong World Boxing Council (WBC) middleweight title.

“This is the best trai­ning camp I ever had,” sa­bi ng 33-anyos na si Cot­to sa kanilang nabuong sa­mahan ni Roach. “Our che­­mistry together has been great.”

Idinagdag pa ni Cotto na walang epekto sa kanya ang  paglaban para sa 160-pound crown.

“I am a puncher,” ani Cotto, nagdadala ng 38-4-0 win-loss-draw ring re­cord kasama ang 31 knockouts, na hindi pa lu­malaban sa mas mataas sa 154 pounds. “I carry my punch to 160. I’ll car­ry my punch no matter where my weight is.”

Ang isa sa apat na ka­bi­guan niya ay sa mga kamay ni Manny Pacquiao no­ong 2009.

Magsusuot si Martinez (51-2-2) ng isang suppor­tive sleeve sa kanyang kaliwang tuhod.

“To fight at Madison Square Garden where great Argentinian boxers fought like Oscar Bona­ve­na and Carlos Monzon is the greatest honor that any Argentinian boxer could possibly have,” wi­ka ni Mar­tinez.

 

Show comments