Gooden binigyan uli ng 10-day contract

MILWAUKEE -- Lumagda si forward Drew Gooden sa kanyang ikalawang 10-day contract sa Washington Wizards.

Orihinal na pinapirma si Gooden ng Wizards noong Pebrero  26 at nagtala ng mga averages na 4 points at 3.3 rebounds sa tatlong laro.

Kinuha ang 11-year veteran matapos magkaroon ng knee injuries sina forwards Nene at Kevin Seraphin.

Hindi siya nakaiskor sa unang dalawang laro, ngunit naglista ng 6-of-7 fieldgoals at tumapos na may 12 points laban sa Utah noong Miyerkules.

Pumirma ang 32-anyos na si Gooden ng isang five-year, $34 million contract sa Milwaukee Bucks bilang isang free agent noong 2010 bago pinakawalan noong 2011.

Show comments