Granger sa Clippers

LOS ANGELES -- Pumirma na si veteran forward Danny Granger ng kontrata para sa Los An­geles Clippers.

Sumama ang da­ting All-Star sa Clippers no­ong Biyernes matapos bilhin ng Philadelphia 76ers ang kanyang kontrata mula sa isang trade sa Indiana Pacers.

Inaasahang makaka­tulong si Granger sa ha­nga­rin ng Clippers (40-20) na pamunuan ang Pa­cific Division.

Si Granger ay ang ikalawang pangunahing free-agent addition sa Clippers ni head coach Doc Rivers  matapos makuha si vete­ran big man Glen Davis.

Makakasabayan ni Gran­ger para sa kampanya ng Clippers sina Blake Griffin at Chris Paul.

Kasalukuyang nangu­nguna ang Clip­pers sa Pa­cific Division kasunod ang Golden State Warriors (36-23), Phoenix Suns (34-24), Sacramento Kings (20-38) at Los Angeles La­kers (20-39).

 

Show comments