Nakakatakbo na si D-Rose

CHICAGO – Nakakatakbo na ang injured Chicago Bulls star na si Derrick Rose  ngunit sinabi ni coach Tom Thibodeau na malayo pang makakapag-practice ito.



Napunit ang meniscus ng dating MVP point guard sa kanang tuhod sa Portland noong November at napagdesisyunan ng Bulls hindi na hindi na siya paglaruin para sa mga nalalabing games ng season.

Hindi siya lumaro noong nakaraang taon dahil nagrerekober pa ito sa operasyon para ayusin ang napunit na anterior cruciate ligament sa kaliwang tuhod.



Sinabi ni Thibodeau na bagama’t hindi pa puwedeng sumama sa practice si Rose, nagagawa na niyang tumakbo at  mag-lateral slides.

Inulit-ulit din ng coach nitong Miyerkules na hindi na makalalaro si Rose ngayong season.

 

Show comments