Lady Tams nagreyna sa football

MANILA, Philippines - Inangkin ng Far Eas­tern University ang ka­nilang ikalawang sunod na korona matapos umiskor ng 2-1 panalo kontra sa University of Santo To­mas sa Game Two ng UAAP women’s football finals kahapon sa FEU Di­liman field.

Kumonekta ng goal si Sharmine Siaotong sa pang-19 minuto, samanta­lang nagdagdag si Alesa Do­lino sa ika-56 minuto pa­ra sa 2-0 pagwalis ng La­dy Tamaraws laban sa Tigresses sa serye.

Ang iskor ng UST ay nanggaling kay Marice Mag­­dolot sa pang-89 mi­nuto.

Ngunit matapos ito ay hindi na nakatabla ang Tig­­resses.

Ito ang ikatlong korona ng FEU sa huling apat na UAAP seasons.

“Sobrang saya, na­walang la­hat ng pagod namin,” sabi ni FEU coach Marinel Dimzon.

Hinirang naman si Mae Suliano ng Lady Ta­ma­­raws bilang Most Va­lua­ble Player ng torneo.

 

Show comments