Clippers, Heat at Blazers, una pa rin

MANILA, Philippines - Nanatili sa unahan ng kani-kanilang divisions ang Miami Heat, Portland at LA Clippers matapos ang magkahiwa-hiwalay na panalo.

Sa Portland, muntik nang magtala ng record ang Blazers matapos kumamada ng 21 three-pointers sa kanilang 139-105 panalo kontra sa Philadelphia sa pangunguna ni LaMarcus Aldridge na may 20-points at 16-rebounds katulong si Nicolas Batnum na may 17-points.

Umiskor si Damian Lillard ng16 habang si Dorell Wright ay may 15 sa 5-for-5 shooting sa triple area. Nagdagdag naman si Wesley Matthews ng 14 points para sa Northwest Division leaders, nanalo ng ikatlong sunod para umangat sa 20-4.

Sa Miami, nakinabang si LeBron James at ang Miami Heat sa kanialng three-day break, nang kanilang igupo ang Cleveland matapos ang 114-107 panalo kontra sa  Cleveland Cavaliers.

Nagdagdag si Dwyane Wade ng 24 points at 22 kay Chris Bosh  sa larong sinayang nila ang 19-point third-quarter lead at bumangon mula sa two-point deficit sa fourth quarter matapos ang 8-0 run.

Sa Washington, sa mahalagang laro ng Clippers, hindi sila naghabol nang kanilang igupo ang Washington Wi-zards, 113-97.

 

Show comments